Araw ko'y papanglaw ng di ka matatanaw
kahit saglit man lang ika'y masilayan
sa'yo nga'y maghihintay sa pag-ibig mo'y hihimlay
Diyos ang pinagmulan ng ating pagmamahalan
Kahit na magtatagal ako'y maghihintay
kahit ulit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan
di ako mapapagal di malulumbay
aking tutunghayan ang mga oras na alam ng maykapal
Puso huwag mangangamba pagkat wala na ngang iba
mata ko'y nakapako na sa'yo lamang aking sinta
nais kong malaman mo di ako mahihiya
na ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal kita
Thursday, May 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment